minamahal niyo lang ako sa simula at sa wakas...
hindi naman ako palaging kasing ganda ng buwanhindi rin ako palaging kasing rikit ng mga bituinhindi rin ako kaakit-akit gaya ng ulapat lalong hindi ako kasing lawak ng kalawakan at dagat
isa pa,hindi lang ako maganda sa umpisa,hindi ko hangad na pahalagahan lang sa simula,sa pasasalamat kasi dumating,sa pagmulat pagkatapos ng gabing madilim,
hindi ko hanggad na mahalin mo ako sa tuwing makikita mo akong umaakyat sa mga pagitan ng bundok,
hindi ko rin hinangad na ngitian mo lang ako sandali bago magsimula ang maghapon mong nakakapagod,
hindi ko hangad ang ganito,hindi ko hanggad ang paghanga,hindi ko hanggad ang titig,hindi ko hangad ang mga larawang kuha mo sa akin habang dahan-dahan akong lumulubog sa kanluran,nalulunod sa ilalim ng karagatan,inaagos ang alaala ng maghapong dumaan,
tinitiis ko ang paninisi mo sa hatid kong init,nalulungkot habang tinataboy ng mga taong pilit hinahanap ang ihip ng hanging kaibigan mong matalik,subalit,nasasaktan ako,dahilhindi man lang ako pinansin,hindi man lang tinatanggap,hindi man lang pinahahalagahan,hindi man lang naisipna sa buong maghapo’t magdamagako lamang ang nananatiling tapat
tapos babalewalain lang,dahil ang halaga koay nakikita lang sa umpisaat sa pagwawakas
saka niyo lang ako minamahalkapag nasisilayan niyo na ang liwanag,ang kulay pulang sinagang bahaghari,ang kulay na mapanlinlang
pero nakalimutan niyong ako ang hariang palaging tapatang may koronang tinatakpan ng ulapang palagi mong kaharap
at palagi kang pinagbibigyan
pagkatapos ay lilimutin mo langpagdating
ng
isang buwan
—TANGHALI AT ANG HARI (2021)
Letra 'to Mga Tula Ni Pedro Gwapo / Juan Tanga
Podchaser is the ultimate destination for podcast data, search, and discovery. Learn More