Podchaser Logo
Home
Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )

Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )

Released Monday, 9th January 2023
Good episode? Give it some love!
Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )

Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )

Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )

Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )

Monday, 9th January 2023
Good episode? Give it some love!
Rate Episode

Itobay aking nilikha para sa taong 2022 papuntang 2023 na grabe talaga ang Diyos sa buhay natin/ko. GRABE! NAPAKABUTI MO!

"Malayang Tula na'may Malayang Taludturan"nilikha ni Jhay Manalo

Grabe napakabuti mo!

Sa bawat taon na dumaraanNapakarami mong paraan. Ikaw yung naging dahilanKung bakit ko'to nasimulanGrabe napakabuti mo!Sa bawat pagsubok na dumaraanAndami ko nalang dahilanAyy pagod nako, suko nakoPatuloy naba 'kong maglalaho?

Andaming naging tanongsa sarilibakit mo binigay 'to?deserve ko ba'to?kaya ko ba?bakit ito?

Hindi na maunawaanAng kanyang dahilanKung bakit ito, ang aking pinagdaraananMarahil Ako'y pinabayaan?

Andaming naging katanunganNgunit sa samu't-saring natunghayanAko'y may malaking natutunanNa nakapagbago sa aking buhay

'Yong paghihintay sa kalooban ng Panginoon. Na noong mga panahong hindi naging mahinahon at napakaraming naging tanong

Grabe! Napakabuti mo!

Hindi ko inaasahanAng aking mga natutunghayan sa kasalukuyanNa hindi ko hinilingNgunit kusang dumarating

Grabe! Napakabuti mo!

Ngayon, aking napagtantoat Ako'y natutoNa ito ang 'yong gustoGrabe! Ang kalooban mo!Sa pagsubok na nararanasanlagi kang nandyanUpang gumabay, umalalayAt nilalayo ako sa kapahamakan

Grabe! Napakabuti mo!

Grabe! Sa taong ito!Damang-dama ko ang presensya mo!Sa dami kong pagkukulangAng biyaya mo naman ay hindi ko lubos mabilang

Ang sakit ng mga salita moNgunit sa sakit nayanDyan ko nararanasanAng sakit na nakapagbago sa aking buhay

Lord Patawadna dati'y sa bawat lakadHindi ko mailahadAng salita mong walang kasing lakas

Grabe! Napakabuti mo!

Sa aking panibagong paglalakbayIkaw ang aking kaagapayUpang maging matagumpayAt malampasan ang mga hamon sa buhay

Sa Panibagong Yugto ng aking buhayIkaw ang magiging karamayhahawakan mo ang aking mga kamayAt sabay tayong maglalakbay

Ikaw lamang PanginoonMula noon hanggang ngayonPatuloy na lalalimAt mananatili sa iyong piling

Mapa-isa, dalawa, tatlong beses na panalanginHindi magiging sapat,upang ika'y purihin

Ikaw ay sapat, tapat at Karapat-dapatIkaw ang lahat, at mundo ay mamumulat

Grabe! Napakabuti mo!

Sa bawat taon na dumaratingGustong-gusto ko manatili sa iyong pilingYung tipong matutulog ng mahimbingDahil sa iyo nananalangin

Kaya sa susunod na taonAng Aking New Year Resolutionang mapapurihan ng lubosang makapangyarihang Diyos

---

Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/jaymanalo/message

Show More

Unlock more with Podchaser Pro

  • Audience Insights
  • Contact Information
  • Demographics
  • Charts
  • Sponsor History
  • and More!
Pro Features